We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

WM2020

by Gnarrate

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

1.
Dito sa larangan, bakit ba binuro ang sarili para sa gustong ituro? Bagong kaalaman, ako'ng magsisilbing ninuno Aangat ang mga letra na parang si Nuno Kaya naman kahit parang nauubusan ng panahon, sige pa rin pagtuunan pagkat ang abilidad at ang karunungan ay may kabayaran. Kailangang igapang pagpaguran paakyat ng sampung libong baitang isang oras kada hakbang hanggang kaya nang gawin to ng papikit kase madilim sa dami ng sumisiksik Minsan parang walang patutunguhan nangagamote sa gitna ng kangkungan Katanungan: kailan ba matatauhan mga tau-tauhan sa sangkatauhan Kaya pinagtuunan ang laman at dahilan Para sa bayan o para sa sarili? Pwedeng sabay/ basta hindi makasarili At wag ibase ang mga haligi sa mga maling konsepto ng pagkawili Di gaya ng iba na ang kursunada laging naghahanap ng bubukaka sa kanilang harap. Bakit ganyang basura ang pinapakalat? Ano ang mapapala ng mga nakikinig, kung sa bulong ng ulo sa baba na lang palaging makikinig Wag puro kilig, kung libog lang minsan naman ang syang tunay na nananaig Pwedeng sumabay sa agos pero wag patatangay hanggang sa iba'y sumakay sa iyong balangay Iyong kasaysayan, lagyan ng saysay nang sunod na henerasyon, merong mabaybay Kaya pinatibay ang laman at dahilan Kaya pinagtuunan at pinagtibay ang laman at dahilan
2.
Bugtong 03:03
Ika'y galing sakin, ako ang kanlungan at babalik sakin, ako ang hantungan Pagkai't inumin, ako ang kandungan Bawat kulay ng balat, ako ang tagpuan Ika'y galing sakin, ikaw ay sa akin ngunit pinili mo na ako'y maangkin Mga sugat ay nag-umpisang danasin nang ako'y pagpasa pasaha't gahasain Ba't di mabatid ng iyong karunungan kapatid ng kasakiman ang kagutuman Imbes paghatian, tinuring na puhunan Dapat tahanan ng lahat ngayon may naubusan Ika'y galing sakin, ikaw ay sa akin ako'y 'di mo pag-aari pagkat ika'y sakin Ika'y aking pasan, kaya wag maging pasanin 'pagkat magkakadugtong ang mga buhay natin Ba't di matutunan ng karamihan kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan? Ika'y galing sakin, 'di kita pag-aari Bakit mo naisip, ika'y dapat naghahari at maging batas ang iyong sinasabi dahil lang iyong lakas ay hindi mabali Ika'y galing sakin, 'di mo ko pag-aari ngunit laging gusto mo, merong nangyayari sa atin, laging tamang bakasakali hanggang sagot na hindi, sayo'y hindi maaari Bakit iyong buhay tila nakabase sa bugso ng iyong nagwawala na ari Nasa'n ang yong puso, nasa'n ang damdamin nasa'n ang yong utak, subukang paganahin Ginagamit mo lang kapag susukatin mga pakinabang na pwedeng maangkin Ika'y galing sakin kaya unawain ako'y hindi sa 'yo at ika'y hindi sa akin

about

Late drop for International Women's Month 2020. Sophomore self-titled EP coming out later this year.

credits

released March 27, 2020

Recorded and mixed by Gab Perez

license

all rights reserved

tags

about

Gnarrate Philippines

Generating Noble Astute Revolutionary Rhymes Against The Establishment.

Gnarrate is a Laguna Bastard holding it down for Elbi Connection and Laguna Hip Hop. He writes rap songs to upset the established order, in hopes that one day, nobody needs to create art forms of such nature anymore. ... more

contact / help

Contact Gnarrate

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like Gnarrate, you may also like: