We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Koronasyon EP

by Gnarrate

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

1.
Simula 01:31
Ako'y mandirigma Lumaban nang pigilang magwala ang aking diwa Mga matatalim na salita Ng sa aking ginagawa ay di makaunawa Kada bigkas, merong paratang Bawat hakbang, may nakaambang mga harang Pinagsisigawang dapat daaanan ang nilakaran ng karamihan Pero di kakayanin ng tadhana Na ginuhit ang hawak kong pambura Gawin ang lahat para sa gusto kong mangyari Baguhin ang laro, isang haring kayang mangmate Mga pasakit, kahit sakin ay bumuhos At ako'y magawang tangayin ng unos Sa karagatan, 'di titigil sa pagraos Kahit 'di humihinto sa pagbatikos Mga isdang akala utak galunggong ako kumilos Pating lang ang nakakasulong kontra agos Kapit sa panulat ay mala Aristotle Malaman ang Platong pinagmulan ng papel Panggigilan kada hakbangang lebel Kahit hagdang Penrose madidiskaril Sa kada labing anim na bara pero nasa singkwenta Pag sinama mga napaakda sa gitna ng mga linya Lawakan pang-unawa bago maasinta Mga isinulat na hindi pinambenta Pero mensahe'y tatawid nang kung ilang dekada Bago mabura ang kinasadlakang sistema Aking pangalan ang aking panata Tanggalin mga lason sa pang-unawa Mga hari harian na sa tatsulok nanguna Lahat sila giba 'pag nagwala ang aking diwa!
2.
Ating Buhay 04:11
[Emar Industriya] Walang hanggang pagibig lamang ang makakaisip kapag ako na ang gumuhit Itanong mo kung paano ko iginuhit ang langit sa nagtataasang talahib. Iba ang bahay sa tahanan, ang tayog ay hindi pataasan Magpalit ka man ng sasakyan ay dadaan kapadin sa daanan. Takip silim nalang ang aral na dinanas ng iyong kahapon. Walang pagbabago sa galawan anong silbi ng iyong pagbangon? Sino ba ang dapat sisihin ang kwento ba o pelikula? Ano ang mas makatarungan sa bandila ang asul ba o pula. Nahuhumaling sa moderning tila wala ng gatla. Sa pag andar ng panahon ay paurong ang pagtanda. Anak sa pagkakasala ngunit bakit nakasalba? Mas pinili na maglakad hindi tamad na nakisampa. Ikaw ako sila ang mapaghiganting amo ng kalupitan. Hindi kaba nagtaka na nakalapit sa puno si eva at adan. Kaya kung nasa akin ang mali sana hwag mo akong pagtakpan Ang angel ang unang nagdala ng kasalanan sa kalangitan. Tandaan... [Gnarrate] Mula sa tipak ng luwad Na nataon sa isang maling hulmahan Mga tao na luwal Sa panahon ng nakapaniping kalayaan Inatasang sundin mga batayan Tugunan mga nasa listahan Kailan ka magkakakotse? kumusta ang estante? Pasensya pero sa karera di ako partisipante Kakaparamihan ng dyamante Nauna pang maubos sungay ng mga elepante Ating buhay ay walang rebanse Kaya naman matapos mong mabakante Ang bahay uod subukang kalimutan Mga isinubo ng dati mong tahanan Sa 'yong pupuntahan laging tandaan Kaya ka may pakpak para wala kang matapakan Wala pang paru paro na merong sinayarang Tae kaya wag kang lumihis sa tinakdang Wastong dahilan na dapat mangibabaw Sa mga pamimilian mo araw araw Ito ba o iyon, ano ba ang tugon Timbangin ang bigat ng bawat pagkakataon Sa kada kampay ng 'yong mga bagwis May maaapektuhan ang dagling saglit Isang pangyayari sa hinaharap Kaya isiping mabuti ang bawat ganap Kung wala kang utang na pasakit sa iba Walang mantika na maaari mong ikagisa Kapag iyong isipa'y dalisay at payapa Tiyak laging agapay utak ay gumagana Parang tubig, malamang madali na lang Anumang kitid ng dapat pagdaanan
3.
Butas 00:37
Meron ring butas ang naghahanap ng lunas Minsan pabaya at walang pake sa bukas Pero nais rin ay makatikim ng ubas Kahit ang kahapon ay di mabura ng punas Pasaway masyado kada may atraso Nasanay sa plano na panay ang palusot Ng batang biglang astang utak tolonges Inakalang pamantasan ay para lang moriones Pinag-aral ng bayan kaso sinaniban Ng maling konsepto ng pakikipag-astigan Hanggang natitirang hakbang na lang ay paakyat Nang tumabang ang kapalaran sa dami ng bagsak
4.
Bagsak 04:16
Ito ay isang kwento mula sa mga pahinang Aking pinilas nilamukos at tinapon na Pero gunita ay kumakatok sa diwa Tikom ang sugat pero ramdam pa rin ang hiwa Ng pagpapabaya ko sa oras at sa pera Imbes magsunog ng kilay ang sinunog ko ay baga Natulog lang sa klase, nahulog ang mga si- nulat na pangalan parang hindi estudyante Nagpuyat nagpasasa nagpakasaya Kakayakap sa dilim ay lumagim ang umaga Madalas mga papel ay aking pinipilas Pagkat gradong nababasa parang lata ng sardinas Napagkamalang batang walang pangarap Mga pagsusulit papikit hinarap Lagi namang may tama pero ba't bumabagsak Pagkat pinitik ang unang titik sa matayog kong balak Ako ay nalunod, ako ay umahon Nadapa pero ako'y natutong bumangon Pagka't ayokong palamon sa kahapon Kahit bumagsak tinatanggap ang mga hamon Nalasing, nagising, napansing nagdilim Mithiin pipilitin ko pa ring marating Pipilitin ko pa ring marating Araw araw sinusundo ng mga anghel Para makipagkita kay San Miguel Gabi gabi ang asta sa lasingan ay batak Minsa'y nagdilim ang langit kakatawag ng uwak Bida-bidahan basta kalokohan Hanggang magkaalaman sa aming tahanan Ang dami ko pang kargadang palusot Wala naman ni isang pantuwid ng gusot Kaya't iniwan ang unibersidad Upang kaharapin ang aking reyalidad Ganito pala ang makakaengkwentro Kapag ika'y tinalo ng lason ng demonyo Wala mang diploma mula pamantasan Diskarte ko na lang para may mapatunayan Saking mga pangarap ay tuloy ang paghabi Kahit kadalasa'y kapos aking pisi Nalasing, nagising, napansing nagdilim Mithiin pipilitin ko pa ring marating Pipilitin ko pa rin Pipilitin ko pa rin Di pwedeng sabihan na walang pinag-aralan Mga leksyon sa buhay ang aking natutunan Pangarap ay sandigan na hindi bibitawan Laging hahawakan ano mang pagdaanan Nalasing, nagising, napansing nagdilim Mithiin pipilitin ko pa ring marating Pipilitin ko pa ring marating
5.
Mensahero 02:55
Laging puro tantya kahit anong plangketa Di matumbok ang tyansa hanggang sa natirang Laman ng alkansya dalawang sentimo Kaya ito pakinggan mo ang mensahero Piloto ng eroplano, pipito ang pasahero Parang kamao sa buwan ang destino Kahit kinabagsakan pook singkwenta uno Di pa rin gagaya sa ibang idolo Imbes iangat nagawang humakbang Pababa para kamayan mga mapanlinlang Binenta ang sarili para maging hari Tumubo sa kamangmangan ng mababang uri Mahirap kalabanin ang napasarap sa pwesto Kung parehas ang kakontrata nyong demonyo Matibay na prinsipyo, di matumbasan ng piso Ganito ang buhay ng pursigidong Mensahero, bawat titik may laman Bawat kataga tatama sa bisig ng kadiliman Upang makaraos mula sa pagyapos Ng kawalang pag-asa ang bayang hikahos Subukang makinig, tulungang maghatid ang mensahero Subukang makinig sa mensahero Tulungang maghatid ang mensahero Kahit sinabi ng iba na walang pag-asa Sa paghahanap ng pag-asa Patuloy sa pagsulat ng mga linyang Tagos sa kalawakan, mula sa nakitang Turo ng kasaysayan nang makatugon Sa apostasiya ng bagong panahon Mahirap magpadaloy ng makabuluhan Sa ilog na tadtad ng mga kabulukan Kada banta kada akda ng mga mamamahayag Na mawala mga tala na nakakapagpabagabag Ihatid ang mapait ngunit kailangang gamot Maraming tanong na hatid ang tunay na sagot Daanan lahat ng mga distrito Mula sentro, kada kanto, hanggang sa bawat baryo Kahit hingal kabayo, bawal ang mapagod Asahan nyo, inyong abang lingkod na Mensahero, bawat titik may laman Bawat kataga tatama sa bisig ng kadiliman Upang makaraos mula sa pagyapos Ng kawalang pag-asa ang bayang hikahos Subukang makinig, tulungang maghatid ang mensahero Subukang makinig sa mensahero Tulungang maghatid ang mensahero
6.
Koronasyon 04:06
Natagalan kase aminadong kapit Sa tyansang ideya ang lalapit Hanggang sa mapuno ang kaparangan Ng mga boteng puro kidlat ang laman Pinag-alayan mga handang makinig Kesa bihisan ang bibig ng mga tamad mag-isip Nilamon ng pekeng panaginip Kaya't inisip ng lubusan aking hirit May mga tutugon, kanilang susubukang Itakda aking pangalan sa listahan ngunit di nawari Na ako'y isang dragon, wag mo nang Ipasok sa pintuan ng hawlang pang kalapati Di pa kayang matimbang Ginamit kong pintura iba ang pinagkunan Langis para sa binubugang apoy di pa namimina Sa kahit sa'ng disyerto o karagatan Di pa napapakinggan Kaya't subukang maglaan Ng oras para laman ng aking akda Ay manamnam, mag-iba pakiramdam At magawang makialam sa nangyayari sa paligid Mga ginigipit dapat magkapit-bisig Milyon milyong katao iisang hukbo Lahat nakakorona, isang bagong yugto Ang ating koronasyon Ito ang ating koronasyon Pagka't ang atin ay atin Ang atin ay atin Dapat ang maghari kung sinong dapat maghari Kung sinong nagtanim sya and dapat umani Sa ating koronasyon Pero umpisa pa lang ang ngayo'y narating Sa kakaining bigas, ako'y gutom pa rin 'Pagkat aking pangarap, higit pa sa sumikat Sana bumakat at isabuhay mga naisulat Kung ika'y asal pulis, ranggo man ay hepe Aking sinasabi, di mo mahuhuli Maglabas ka ng baril, magtataasan hindi Mga kamay kundi puro mga gitnang daliri Kahit pa sabihang rebeldeng panggulo Raratrat hanggang mabaligtad ang triangulo Sa walang hangganang paglapat ng tinta Akala nila na ako'y nahibang na Dahil ang gusto kong mangyari'y imosible Mas hibang ang ayaw mangyari ang imposible Nagpabidahan sa pag-akyatan Tinulak ko mga bundok nang matira'y kapatagan Kalayaan Tanging kahilingan Makamtan ng lubusan Makaalis sa gapos ng mga gahaman Mukhang hanggang kamatayan di ko rin masisilayan Bukang liwayway sa ating inang bayan Ganunpaman, di pa rin mapipigilan Koro ng nasyon, sa wakas mapakinggan Ang ating koronasyon Ito ang ating koronasyon Pagka't ang atin ay atin Ang atin ay atin Dapat ang maghari kung sinong dapat maghari Kung sinong nagtanim sya and dapat umani Sa ating koronasyon
7.
Hinukay mula sa kailaliman ng lupa Ang tone toneladang sangkap na iba't ibang uri Para sa petrolyo, para sa transportasyon Para sa mga kagamitan Para sa kuryenteng kailangan Ng mga kabahayan, pagawaan,at telekomunikasyon Upang mapagkonekta ang sangkatauhan Makapagbahagi pa sa buong kalawakan Mga salita at larawan, mga karanasan Ang proseso'y bumuo ng matinding init Naglabas ng dambuhalang maitim na usok Ang nguso sa tuktok ng mga gusali Umakyat sa langit, nagdagdag galit Lalong nagpakahayok humigop mula sa iba't ibang bahagi Sapa, ilog, lawa, karagatan Mga sisidlang naiwan nang may tubig pang laman Pataasin pa ang temperatura Palakasin pa ang hangin, paikut ikutin Hanggang maging isang nagwawalang amasona Walang pake sa madadaanan ng mga bigwas nya Pinaglapit ng mga pisi ang mga residente ng planeta Pero bakit di madama pulso ng mundong umaruga sa kanila Nagpapakaligaya sa tila walang hangganang teknolohiya Di namalayan na ang kalikasan ay nauubusan din ng pasensya Ilang buhay pa ba ang kailangang tangayin ng rumagasang baha? Ilang tahanan pa ang kailangang lamunin ng mga dambuhalang alon? Ilang gusali pa ang kailangang hampasin ng ipo ipong mapanira? Ilang bangkay pa ang ni hindi makakaranas na maikahon? Ilang oras pa kailangan mong gugulin dyan bago ka maliwanagan Na nasa mga kamay mo ang mismong kasalanan? Ika'y ginawang kasangkapan ng mga gumagawa ng kasangkapan. Kagutumang mapabango/ ng pinagkagastusan mo ang iyong pangalan. Reyalidad na yan ng buhay? Di na mapipigilan? Di kayang tutulan? Di kayang wakasan? Hindi mo kayang maging sandata ng pagbabago? Balat mo'y di itinadhana sa mga sugat na matatamo? Takot kang lumaban sa sangkutan ng naglalakihang kompanya at pamahalaan? Kailan ka matatauhan? Gumising ka, hoy! Walang espadang nahubog nang di dumadaan sa nagbabagang apoy!

about

Debut EP of Gnarrate, a hip hop emcee from Laguna.
Holding it down for Elbi Connection and Fam.

Available in CD copies for P100 each. Send a message to www.fb.com/gnarrate if you want to cop one.

credits

released May 25, 2016

Big thanks to Kenneth Arlantico, J. Blaze, msbeats, Emar Industriya, jop, Chrizo, A, Ezra, Deeman, and to all the homies.

Shoutouts to Elbi Connection, 1726, WIP Caps, THE homies, Purveyr, Soulfiesta, Wordplay, Tropikal, Bimstore and Fam Squad.

license

all rights reserved

tags

about

Gnarrate Philippines

Generating Noble Astute Revolutionary Rhymes Against The Establishment.

Gnarrate is a Laguna Bastard holding it down for Elbi Connection and Laguna Hip Hop. He writes rap songs to upset the established order, in hopes that one day, nobody needs to create art forms of such nature anymore. ... more

contact / help

Contact Gnarrate

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like Gnarrate, you may also like: