1. |
Yugto
02:36
|
|||
Hawak mo sa sulo ay higpitan
Ihip at ambon ma'y maging unos
Ngayong gabi na syang huling yugto
Hawak mo sa sulo ay higpitan
Upang matanaw ng mga musmos
At mabatid kung pa'no masugpo
Mga maling gawi na dinatnan
Upang mahati sa mga bugkos
Ngayong gabi ang syang huling yugto
Hawak mo sa sulo ay higpitan
Huwag kang matakot na malapnos
Iyong diwa'y dama rin ng hukbo
Iisang himig ang ating tangan
Ating gabay hanggang sa matapos
Itong gabi na syang huling yugto
Ilang dekada man ang karimlan
Kamay mo'y patuloy na iyapos
Hawak mo sa sulo ay higpitan
Ngayong gabi ang syang huling yugto
|
||||
2. |
Laman at Dahilan
02:40
|
|||
Dito sa larangan, bakit ba binuro
Ang sarili para sa gustong ituro
Bagong kaalaman, ako'ng magsisilbing ninuno
Aangat ang mga letra na parang si Nuno
Kaya naman kahit parang nauubusan
Ng panahon, sige pa rin pagtuunan
Pagkat ang abilidad at ang karunungan
Ay may kabayaran, kailangang igapang
Pagpaguran paakyat ng sampung libong baitang
Isang oras kada hakbang hanggang
Kaya nang gawin to ng papikit
Kase madilim sa dami ng sumisiksik
Minsan parang walang patutunguhan
Nangagamote sa gitna ng kangkungan
Katanungan: kailan ba matatauhan
Mga tau-tauhan sa sangkatauhan
Kaya pinagtuunan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Kaya pinagtuunan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Para sa bayan o para sa sarili?
Pwedeng sabay basta hindi makasarili
At wag ibase ang mga haligi
Sa mga maling konsepto ng pagkawili
Di gaya ng iba na ang kursunada
Laging naghahanap ng bubukaka
Sa kanilang harap, bakit ganyang basura
Ang pinapakalat, ano ang mapapala
Ng mga nakikinig kung sa bulong ng
Ulo sa baba na lang palaging makikinig
Wag puro kilig, kung libog lang
Minsan naman ang syang tunay na nananaig
Pwedeng sumabay sa agos pero wag patatangay
Hanggang sa iba'y sumakay sa iyong balangay
Iyong kasaysayan, lagyan ng saysay
Nang sunod na henerasyon, merong mabaybay
Kaya pinagtibay
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Kaya pinagtibay
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Kaya pinagtuunan at pinagtibay
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
Ang laman at dahilan
|
||||
3. |
Makata
02:50
|
|||
Kaya mo ba
Kaya mo ba na
Gumawa ng mga barang pansaksakan, pandiinan
Mga barang sa bigat, wasak lahat ng timbangan
Mga barang malaman, ang dunong ay siksikan
Mga barang nagsasabing pagdating sa digmaan
Ikaw ang pinakamalakas at maangas
Nanahimik ang Diyos nung kinagat mo ang mansanas
Ikaw ang sinamba dahil sa yong pinapamalas
Mga bumabangga ay mga tanga at malas
Dahil pinanganak sa iyong panahon
Ang makata ng makabagong panahon
Mga kanta na paborito ng buong nasyon
Sa tag-init ay dagat, sa pasko ay hamon
Bawat salita kaninang nanamnamin
pagkatapos sasabihin ay "Amen"
Kung 'di mo ka yang maging pinakamagaling
Pagiging makata wag mo nang gawin
Pano kung di ko kaya...
Pano kung di ko kaya...
Iba aking hibla, iba ang dahilan
Di na para makisabay, mamamatay rin lang naman
malamang na di ko makikitang
maging ganap na umaga ang balang araw
Na inaasahang maabutan
ng ibang henerasyong maiiwan
Bisig ng isa't isa ang sandigan
Para walang maging bagong halimaw
Kagaya ng nasa kasalukuyan
Uhaw sa dugo at tigang sa laman
Hayok sa yaman, lahat aapakan
Upang mapanatili sarili sa ibabaw
Gamit ay apostiya nang di makatakas
Sigaw ng mga dinadahas kada oras
Mga api na kada araw nakarehas
Nakapulupot ang pinaparanas
Tinatawag na durugista at anay
Walang disiplina, mga pasaway
Dugyot at tamad, mga di matibay
Laging hinahamak para ipaaway
Sa mga tao na nasa gitna, mga
Di makadama sa paglubog ng bangka
Basang basa mga paa sa pulot na hinanda
Basang basa sila, minamanipula
Ng makapangyarihan na matabil
Demonyo na kayang magbihis anghel
Ang kalaban na nais kong madiskaril
Lunurin, sunugin sa dagat na kahel
|
||||
4. |
Ikot
02:35
|
|||
[Gnarrate]
Panibagong araw na itinakda
At sa pagitan ng paghakbang ng mga paa
Lumipad ang isip hanggang sa mapansin
Buong karagatan na ang aking salamin
Pagtataka ay binabato sa akin
Tinanggap mga sigaw at aking inaamin
Di ako makata, hindi ako panday
Hindi ko kayang magturo, hindi ako gabay
Pagkat puro tanong lamang ang aking namasid
Mga kasagutan di ako ang may hatid
Tamang paniniwala ang iyong kailangan
Imbes maghanap ng taong papaniwalaan
Pagkat sa sarili mo
Mababatid ang tamang ikot ng mundo mo
At tanging sa sarili mo
Lamang mahahanap ang sarili mo
[Nikki]
Get your shit together, dont let them
tell you who you are, you tell them
Dont even think you dont belong
Ibig kong sabihin wag magpakulong
Sa katotohanang gawa-gawa lang
Wag mong hayaang diktahan ‘yong kasiyahan
Find happiness in growth, not perfection
That’s how you know, that’s how you know you’re in control
[Gnarrate]
Malawak ang uniberso, ikaw ang mismong sentro
Ikaw ang puno't dulo ng bawat gagawin mo
Wag mong sisirain ang di mo nilikha
Wag mong buburahin ang di mo pininta
Matutong magtanim upang merong makain
Wag iutos sa iba, pagkat di mo angkin
Ang kanilang oras o ang kanilang buhay
Sila'y tao na iyong kauri't kaugnay
Magbigay ng sapat, para sapat ang babalik
Wag gayahin si Hudas kapag hahalik
Pag may kinukuha, tandaan ng lubusan
Kada sumosobra, may nauubusan
Sirkulo ng buhay, pag di ginagambala
Wala kang katatakutang tunog ng kampana
Katotohanang di mo matitiklop
Di kailangang ituwid pagkat lahat ay paikot
[Nikki]
Get your shit together
Dont let them tell you who you are
you tell them
Dont even think you dont belong
Ibig kong sabihin wag magpakulong
Sa katotohanang
Gawa-gawa lang
Wag mong hayaang diktahan ‘yong kasiyahan
Find happiness in growth
Not perfection
That’s how you know
That’s how you know you’re in control
|
||||
5. |
Bugtong
03:03
|
|||
Ika'y galing sakin, ako ang kanlungan
At babalik sakin, ako ang hantungan
Pagkai't inumin, ako ang kandungan
Bawat kulay ng balat, ako ang tagpuan
Ika'y galing sakin, ikaw ay sa akin
Ngunit pinili mo na ako'y maangkin
Mga sugat ay nag-umpisang danasin
Nang ako'y pagpasa pasaha't gahasain
Ba't di mabatid ng iyong karunungan
Kapatid ng kasakiman ang kagutuman
Imbes paghatian, tinuring na puhunan
Dapat tahanan ng lahat ngayon may naubusan
Ika'y galing sakin, ikaw ay sa akin
Ako'y 'di mo pag-aari pagkat ika'y sakin
Ika'y aking pasan, kaya wag maging pasanin
'Pagkat magkakadugtong ang mga buhay natin
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pano alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pano alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pano alagaan ang ating pinanggalingan
Ang ating pinanggalingan
Ika'y galing sakin, 'di kita pag-aari
Bakit mo naisip, ika'y dapat naghahari
At maging batas ang iyong sinasabi
Dahil lang iyong lakas ay hindi mabali
Ika'y galing sakin, 'di mo ko pag-aari
Pero laging gusto mo, merong mangyayari
Sa 'tin, laging tamang bakasakali
Hanggang sagot na hindi, sayo'y hindi maaari
Bakit iyong buhay tila nakabase
Sa bugso ng iyong nagwawala na ari
Nasan ang yong puso, nasan ang damdamin
Nasan ang yong utak, subukang paganahin
Ginagamit mo lang kapag susukatin
Mga pakinabang na pwedeng maangkin
Ika'y galing sakin kaya unawain
Ako'y hindi sa 'yo at ika'y hindi sa akin
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan
Ang ating pinanggalingan, ba't di matutunan?
Ang ating pinanggalingan, ba't di matutunan?
Ang ating pinanggalingan, ang ating pinanggalingan
|
||||
6. |
Pangarap
02:56
|
|||
Nakasandal sa puno
Nakatanaw sa malayo
Nakatakdang ipaglaban
Mga pangarap na gustong matupad
Nakasandal sa pader
Nakatanaw sa puder
Nakatakdang ipaglaban
Mga pangarap na nagawang matupad
Nakasandal sa hangin
Nakatanaw sa bangin
Nakatakdang ipaglaban
Mga pangarap na tila di matutupad
Magkakaiba ang hangad, bagamat
Iisa lang ang problemang kaharap
Ang pagkabalanse ng dalawang panig
Mahirap at mayaman, masama't mabuti
Tamad at masipag, malakas at mahina
Ngunit ang timbangan na ito ay sira
Dahil ang laman ng tinitirhang mundo
Ay mga tao at mga kailangan nito
Trabaho, pagkain, bahay, gamot, damit
Mga karapatan na dapat makamit
Pano pantay na mabibigay sa bawat isa
Kung tinuturing na mga paninda
Nakaimbak sa bodega imbes sa gutom ay ipakain
Lupang tiwangwang imbes iba'y patirahin
Mga trabahong sweldo ay katiting
Kaya mga pangangailangan, 'di kayang bilhin
Lahat ay tinatawagan, makiisa sa panawagan
Ipaglaban ating mga karapatan
Ang reyalidad ay ating hawakan
Panahon nang baguhin ang ating kinabukasan
|
||||
7. |
Kapayapaan
04:02
|
|||
Kapayapaan
Walang kapayapaan
Kapayapaan
Walang kapayapaan
Walang kapayapaan sa pagkain
O ano mang suoting damit o sapatos
Sa bundok man ay wala rin
Kahit pigain ay wala pa ring aagos
Sa ilog o sa baybayin
Kahit pa saan mong karagatan iraos
Maging panatag ang damdamin
Walang kapayapaan kahit saang tanawin
Walang kapayapaan sa
Pagiging payapa mo
Kapayapaan ay hindi
Nananahanan sa isipan mo
Kapayapaan
Walang kapayapaan
Walang kapayapaan
Kung kapayapaan ay pansarili lamang
Walang kapayapaan pag hindi
Mo narinig ang mga pighati
Walang kapayapaan pag hindi
Mo natanaw ang mga nasawi
Sa kalunsuran, at sa bawat bayan
Sa kadilimdiliman ng mga lansangan
Walang awang pinaslang sa sariling tahanan
Sa mismong harapan ng mga kamag-anakan
Sa mga malayong kanayunan
Lupang katutubo at lupang sakahan
Sa ibayo ng kakahuyan, sa gitna habang
Pinapalibutan ng mga guro't batang
Sa pag-aaral ay pinigilan
Para takutin ang murang isipan
At nakawin ang kanilang kapayapaan
ang kanilang kapayapaan
Kapayapaan
Walang kapayapaan
Walang kapayapaan
Kung kapayapaan ay pansarili lamang
Kung may isang magsasakang gutom na gutom
Sa gitna ng sakahang tuyot ay kulong
Nakahandusay habang sikmura'y kumakalam
Siya nga ba'y gutom kahit sya lang ang may alam?
Kung may biktimang pinaslang, binaril sa ulo
Sa liblib ng kagubatan ng isang sundalo
Pinatay at dinamay ang katotohanang
Mundo ay di niya payapa na nilisan
Huwad ang kapayapaan na base sa mga
Di dinig ng mga tenga at di kita ng mga mata
Lahat ay nakaugnay sa pagkadiskonekta
Ng karamihan sating tunay na esensya
Kapayapaan ay ang rurok ng humanidad
Iisang sinerhiya ang dama ng lahat
Kapayapaan ay ang pag-unawa sa sagad
Kapag bawat isa nakakakuha ng sapat
Kapayapaan (Iisang sinerhiya ang dama ng lahat)
Kapayapaan
Kapayapaan (Iisang sinerhiya ang dama ng lahat)
Kapayapaan
|
||||
8. |
Kapangyarihan
03:41
|
|||
Nasa gilid lang, tamang nagbibilang
Mamaya-maya lasing na naman
Nasa gilid lang, tamang nagbibilang
Mamaya-maya lasing na naman
Nasa gilid lang, tamang nagbibilang
Mamaya-maya lasing na naman
...lasing na lasing na naman
Tahimik at payak, nasa salas mga anak
Asawa sa kusina, lahat ay may galak
Ganap ang pangarap, nakamit lahat ng hangad
Hangggang sa tumawag, tauhan kong pumalpak
Biglang aburido, atras ang plano
Ang milyon at libo na kinaganado
Biglang naging bato, ito ang ayoko
Kapag ang aking gusto ay nagkandaloko
"Hoy ano ba yan? ang ingay nyo maglaro"
Aking binatukan bunso kong hapong hapo
"Makinig ka sakin wag kang magulo
Alam mong ayokong mainit aking ulo"
At naibsan aking pagkayamot
Umiiyak aking anak habang nagkakamot
Dapat ganyan matutong sumunod
Iba talaga ang tama pag lahat sumusunod
Lasing na lasing na lasing na naman
Lasing na lasing na lasing na naman
Lasing na lasing na lasing na naman
sa kapangyarihan, sa kapangyarihan
Iba talaga kapag ako ay tinamaan
Kapag sumusunod lahat ng minataan
Kapag sakin lahat ng bunga na inani
At palakpak ko lang ang kanilang inani
Kapag nasa kamay ko ang lahat lahat
Nagkakandarapa ang mga alagad
Wala silang problema sa 'king nilalahad
Bibliya lahat ng aking sinasaad
Ang kapangyarihan, dapat panghawakan
Mga sunod-sunuran, dapat alagaan
Habang nasa gilid lang at nagbibilang
Bigyan ng barya mga sagigilid lang
Kung may magsabi na ako'y nanlalamang
Bala ang itatarya sa kapangahasan
Walang pake sa kanilang nararamdaman
Ang mahalaga ako'y lasing na naman
Lasing na lasing na lasing na naman
Lasing na lasing na lasing na naman
Lasing na lasing na lasing na naman
Sa kapangyarihan, sa kapangyarihan
Ito ang aking tama, ang aking enerhiya
Wala akong pake sa sinerhiya
Ito ang aking tama, ang aking enerhiya
Wala akong pake sa sinerhiya
|
||||
9. |
Pagsamo
04:41
|
|||
Tayo ang librong ayaw nilang unawain
Pero mga pahina gustong balasahin
Kanilang estado'y ayaw nating pangarapin
Ayaw nating gayahin turing nila satin
Na mga tagapanood ng patimpalak
Pagod mga palad pero handang pumalakpak
Sa pakapalan nila ng kaban at imbak
Habang nagpapahambugan ng haba ng habag
Para sa 'ting mga dukha't hikahos
Sanay na'ng sikmura'y nagsisigalot
Kahit anong trabaho ay pinapatos
Tapos tira tira lang ang sati'y inaabot
Bilang kabayaran sa ating paggawa
Kahit tayo ang tagasagwan ng bangka
Kanilang pag-usad tayo ang may gawa
Pero tayo naman ang mga hindi handa
Kapag lumubog itong bangkang sinasakyan
Dahil isang kahig isang tuka lang naman
Tayo sa kada araw na dumaraan
Kaya sa sakuna ay unang masasaktan
Dahil pagkain, gamot at pagamutan
Lupang tirahan at masisilungan
Tayo ang mga unang mauubusan
Bakit hindi maunawaan ng lubusan
Ito'y hindi dalangin sa diyos na poon
Kundi pagsamo sa 'ting panginoong maylupa
Sa 'ting panginoong maylupa
Ito'y hindi dalangin sa diyos na poon
Kundi pagsamo sa 'ting panginoong maylupa
Sa 'ting panginoong maylupa
Bakit laging sagad sa pagkamkam
Hanggang manhid na ang pakiramdam
Paninda ang turing sa lahat ng laman
Ng mundong ating dinatnan lang naman
Pag walang hawak mga kamay tila di buo
Pakiramdam parang hubad at tuyo
Nawa'y mabatid kung ano'ng totoo
Pag walang hawak mga kamay, dun nabubuo
Ang pagkatao, ang pagiging tao
Ay ang mapanatili na hindi barado
Para sa iba mga pangangailangang tao
At ituring bilang mga kapwa tao
Hindi mga utusan na kinasanayan
Idispatya pag di mapakinabangan
Sa pagkagutom ay hinahayaan
Kapag tumutol, hatol ay kamatayan
Kung ayaw pakinggan ating mga tinig
Dapat umaksyon ating mga kamay at bisig
Tayo'y sawa na sa kanilang pagkaganid
Palawakin tanggapin sa ating panig
Mga makikiisa sa 'ting panawagan
Ipaglaban ang mga karapatan
Ang reyalidad ay ating hawakan
At baguhin ang ating kinabukasan
Ito'y hindi dalangin sa diyos na maykapal
Kundi pagsamo satin ng panahon na kaytagal
Tanggalin mga kadena at busal
Ito'y hindi dalangin sa diyos na maykapal
Kundi pagsamo satin ng panahon na kaytagal
Tanggalin mga kadena at busal
|
Gnarrate Philippines
Generating Noble Astute Revolutionary Rhymes Against The Establishment.
Gnarrate is a
Laguna Bastard holding it down for Elbi Connection and Laguna Hip Hop. He writes rap songs to upset the established order, in hopes that one day, nobody needs to create art forms of such nature anymore.
... more
Streaming and Download help
If you like Gnarrate, you may also like:
Bandcamp Daily your guide to the world of Bandcamp